0110: Leche.
May. 19th, 2006 09:59 pmAyoko na.
Tama na.
Alis ka na nga sa buhay ko.
Bwisit.
Wala na nga akong pag-asa. Alam ko yan. Lagi mo naman sinabi yan eh. Wala. Wala talaga.
'Wag mo na ako paasahin.
Tinakasan na kita. Di na tayo dapat magkita muli sa buong buhay natin, pwera nalang sa mga Pisay reunion. Di na dapat talaga tayo magkakausap muli.
Bwisit. Ang sama mo talaga sa akin. Di ko talaga alam paano ako nagtagal bilang "kaibigan" mo.
Peke lang naman yung salita na yun sa iyo eh. Katumbas lang nun sa iyo isang taong pwedeng gamitin, isaktan, patayin ng ulit-ulit.
Bwisit.
Bakit ba lagi ka nasa pananginip ko kasi? Yun pa. Wala na nga akong takas sa iyo sa totoong buhay pero pati oras ko na magsiayos ng mga namamatay kong parte ng katawan ko sisirain mo. Leche ka talaga. Bakasyon nga, sabi. Di nawawala ang mga "eyebags" ko dahil sa iyo.
Ang pinakamasama pa sa lahat ay masaya ka na ganito ako dahil sa iyo. Grabe naman ako para sa "ego" mo.
Ang lakas ng loob mo. Alam mo naman na inis na inis na ako sa iyo eh.
Alam mo kung ano ang pinakanakakainis sa katotohanan na lagi ka nalang sa pananginip ko?
Pangit ka. Sana naman kung may makita man ako sa tulog ko, sana naman gwapo. Hindi, nakukuha ko ikaw. Ikaw. Di ka naman mananalo ng "beauty contest" eh. Talbog ka na nga sa kagwapuhan, paano ka pa sa talento? Kaya mo lang naman gawin ay magsira ng buhay eh.
Kahit anong mangyari, talo parin kita sa Pisika sa huli. Alam mo, sinabihan mo pa ako noon. Sabi mo ang kulelat ko talaga sa kursong yun. Wala raw akong pag-asa pumasa sa kursong yun. Kainin mo na ang mga salita mo ngayon.
Tapos. Sana naman wala ka na talaga sa buhay ko simula ngayon. Sana naman kapag tulog ko muli, mas gwapo naman ang dadating kasya ikaw muli.